Archive

Archive for the ‘Philippines for Dummies’ Category

EDSA

February 25th, 2014 Comments off

Dalawampu’t walong taon noon
Nakakulumpon ang Pangkat
at nagmomonitor.
Sabi ng Radyo Bandido,
Lumikas na ang Apo sa palasyo.
Ayun sumibat na, mga kasama
Tapos na ba, pano na ngayon?
Nagkatinginan, kunot ang mga noo
walang makakibo.
Tahimik ang sentro.
Tahimik ang sentro.

Cotabato City 2.25.2014

Categories: Philippines for Dummies Tags:

Headstart

January 30th, 2014 Comments off

Your idiocy is betrayed by your questioning. Nde ito kayang itago ng pilit na pag-eenglis na maragsa at palukso-lukso, mga salitang niluluwa ng dilang gumugulong, tumatambling at nababangga sa exclamation mark sa dulo. Para bang pilit sinusubo sa kausap na ganito dapat mag-englis. Malalaking salita na walang laman kundi mga kabobohang binubuga lang sa hangin. Watching empty-Headstart in the morning makes my coffee taste blunt and stale.

Cotabato City 1.30.2014

Categories: Philippines for Dummies Tags:

Nagbabagang Lupa

June 4th, 2011 Comments off

“Walang bulaklak sa burol ng dukha,
pawang natabunan ng biro at luha,
sa ilalim ng lupa’y nilugmok ang bangkay
diyan nagmumula ang tamis ng halaman”

mga unang linya sa kanta ng Patatag noong 1985.
Noong panahong nasa rurok ang pakikibaka laban kay Makoy.

“Pulutin mo ang punlong may bahid pa ng dugo
ipahid ang basang tela sa sumabog niyang puso
alaala ito ng mga luha alaala ito ng nagbabagang lupa”

ang panapos na linya sa kanta ng Patatag noong 1985.
Ngayon ay bibigyan daw ng Full Military Honors si Makoy.

————
June 4, 2011
Paranaque City

BAWAL UMIHI DITO

December 19th, 2010 Comments off


” There was of course no way of knowing whether you were being watched at any given moment. How often, or on what system, the Thought Police plugged in on any individual wire was guesswork. It was even conceivable that they watched everybody all the time. But at any rate they could plug in your wire whenever they wanted to. You had to live—did live, from habit that became instinct—in the assumption that every sound you made was overheard, and, except in darkness, every movement scrutinized”  –  George Orwell,  1984

My former colleagues during the 2010 election campaign informed me that some people we have worked with before and are now the powers that be are alarmed and not happy with my postings on Facebook. Through them was conveyed a warning for me to go easy on what I write, particularly my criticisms of the present administration which we all helped install. Allegedly, critical posts on FB are being monitored, compiled and reported to whoever is concerned with such stalking job.

I would not like to believe this report and dismiss it as mere hearsay. How can people who don’t really give a shit about us suddenly become concerned about what we write on Facebook, and want to give us gag orders? But then what with this creature named Coloma and his Propaganda Office did to a volunteer FB account and its poor creator, is of any indication, the report may indeed have a grain of truth.

I am no stranger to this kind of veiled warnings. I had experienced far worse scenarios before. What is ironic is to hear such censorship and gag order at a period when we thought democracy is restored and its basic institutions strengthened; under a new regime where many of us helped and played important roles in installing because of its promise of reform and change. The last time I checked, we are still a democracy and we are free to express our opinion and write whatever we think is worth writing. That was just seven months ago.

I can now guess why some of the FB accounts of my other former colleagues, who were also a bit critical before, had suddenly transformed into bulletin boards of mundane pursuits. Pathetic, but then stupidity and sycophancy are the only options left for others in order to survive or maintain relevance. Different strokes for different folks.

My advice is, if my FB posts ruffle some people’s feathers and give them undue psychological stress, they can simply unfriend me, like I care. Or they can continue stalking my FB to their hearts’ content with the caveat of more rainshowers and thunder storms with chances of cyclones coming up ahead.

Finally, all I know is that 1984 is over, and it is MY Facebook. BAWAL UMIHI DITO!

My Hero

November 28th, 2010 Comments off


Marami na ang naikwento hinggil sa buhay at kamatayan ng dakilang Supremo ng Katipunan, si Gat Andres Bonifacio. Marami rito totoo at marami rin na malamang kesa hindi, ay gawa-gawa lang.

Dahil masalimuot, marami pa ring mga katanungang ang naglalaro sa ating isipan: Ano kaya kung naitagumpay ni Bonifacio ang Rebolusyon? Ano kayang nangyari kung sa Baguio pumunta si Bonifacio imbes na sa Cavite? Maihahambing ba ang pagkakaibigan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa tambalang Batman and Robin?

Aahh, napakaraming katanungan, napakahirap sagutin. Heto na lang, mas madaling sagutin, Paano kung nabuhay si Gat Andres Bonifacio sa panahon ngayon?

Sa bilang na sampu masasabi kong, kung nabuhay si Ka Andres ngayon:

 

10. Tataya din sya ng Super Lotto 6/55.

9. May FB at Twitter account din sya.

8. Tiyak hindi siya nagtatrabaho sa gobyerno ngayon sa kadahilanang hindi siya gradweyt ng Ateneo, UP, La Salle, UST. O di kaya, dahil hindi sya rock star, lawyer-buddy, taga-Balay, taga-Samar, taga-Times, taga-Black and White movement, taga-Hyatt 10, bff ni Boy Abunda, kaibigan ni Mar, kaibigan ni Chiz, kaibigan ni Jojo Ochoa, kaibigan ni Joshua, etc, hindi rin sya naninigarilyo’t umiinom.

7. Baka kasama sya sa 2,000 mahigit na i-lilay-off sa PAL.

6. Pinoproblema din nila ni Oriang ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak dahil parang Private Schools na rin ang mga eskwelahang pampubliko sa taas ng mga sinisingil nitong mga bayarin.

5. Magagalit yun bakit ang estatwa nya sa Tutuban na imbes gulok ay lapis ang hawak nito at nakayukong nagsusulat na parang tumataya ng lotto.

4. Siyempre Mason pa rin sya and in good standing. At tiyak na taga-GLP sya, dahil isinumpa na nyang hindi na sya babalik sa Cavite. Alam nyo na ang dahilan.

3. At dahil nga Mason, tyak galit pa rin ang simbahan sa kanya kaya hindi nila sya mapipilit na pumusisyon laban sa RH Bill.

2. Nag-oorganisa pa rin si Ka Andres sampu ng kanyang kasamahan sa hanay ng uring anak-pawis. At dahil marami nang gumagamit sa pangalan ng Katipunan, ang tawag na nila sa grupo ngayon ay The Original Katipunan ng mga Kapuso, Kapamilya, Kabarkada, Ka-FB, Forever. Hindi nila ipapa-rehistro ang kanilang samahan bilang Party-List.

1. Di hamak, 147 years old na s’ya.

Mabuhay ka Ka Andres, ikaw ang aking Bayani!

Flower Bet

November 27th, 2010 Comments off

Sa pinakahuling Balita:

“Sa isang programa sa kapitolyo, nanumpa ang Gobernador at mga Mayor kasama ang Tsip of police na sama-sama nilang susugpuin ang jueteng. Ayon sa balitang lokal ang tumama sa bola ay 23 – 35.”

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Rubie Blade, Ahit Pogi, Ahit Rubie.

Categories: Philippines for Dummies Tags:

Guess Who

November 26th, 2010 Comments off

Its Political capital is maintained and kept afloat by empty rhetorics. Preferential treatment to friends, buddies, classmates, and family; Except for a dole out program, there is no clear overall program for poverty alleviation; Keeping a loose alliance with some left-center groups and personalities; Bias is with big business t(h)an the labor sector. Has clear neoliberal approach to economic and social policy. Less interest on the Peace Process. Facing controversies on jueteng and some scandalous drinking excesses of official barkadas.

Can you tell whose administration this is?

Categories: Philippines for Dummies Tags: