Archive

Archive for August, 2014

SA BAWAT ARAW

August 9th, 2014 Comments off

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos

Nabubuwisit ka sa
Trapik na sasalubong sa’yo.
Sa mga balitang puro
buladas ng mga pulitiko.
Sa mabagal na internet
at bakit antagal ng inorder
mong espresso.

Samantala sa ibang dako ng mundo

59 ka tao ang namamatay,
16,774 ang lumilikas sa kanilang tahanan
306 ang sugatan at 190 nito ay kabataan
323 ang nawawasak na mga kabahayan

sa patuloy at walang habas na
pag-atake ng Israel
sa Gaza

sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

———–
08.09.2014
Matina DC

Categories: Other Stories, World View Tags:

Status Message

August 1st, 2014 Comments off

May nagtanong, bakit daw parating
laman ng aking Peysbuk ang Gaza?

Dahil ito lang ang kaya kong gawin para
ipaalala sa mundo na sa Gaza walang habas
na inuubos ng Israel ang mga walang muwang
na musmos at kanilang pamilya.

Oo gagawin ko ito ng paulit-ulit, upang
ipabatid na habang kaya nating
pumikit at matulog ng mahimbing,
ang mga bata sa Gaza ay
pinapatay na dilat ang mata.

Patuloy kong ikakampanya ang Gaza
hanggang bumalik ang katinuan
at pagkatao ng sangkatauhan,
hanggang maubusan ng bomba’t
dahilan ang Israel,
hanggang wala nang batang
ililibing sa hukay na
sadyang pinalalim,
para hindi makita
ang ating hiya,

dahil wala tayong ginawa.

———–
08.01.2014
Cotabato City

Categories: Family and Me Tags: