Archive

Archive for August, 2011

Kalye Unida

August 22nd, 2011 Comments off


Pinapaliguan
ng liwanag mula
sa mga poste ng ilaw
ang Kalye Unida
sa gabing mapanglaw.


Ika- 21 ng Agusto 2011

Categories: Family and Me, Other Stories Tags:

Bagong Lumang Bahay

August 6th, 2011 Comments off

Ang
aming nilipatang bahay ay isang
lumang bahay na binago lang
ng pintura ang hitsura. Sa
second floor Kung dudungaw ka
sa bintana na jalousie ay
tatambad ang imahe, tunog at
amoy ng hubad at nakayapak
na urbanidad. Tanaw ang mga
matayog na gusali sa paligid
na pinaliliguan ng malakas na
ulan. Nakakagutom ang nagyayayang amoy
ng inihaw na isda ng
kadikit-bahay, at Crazy for You
naman ang sigaw-kantang videoke ng
kapitbahay sa tapat. Paparada ang
mga naglalako ng prutas, tv
antena, linya ng cable tv,
telepono at bombay na nakamotosiklo.
Mamayang hapon dadaan ang mga bagong
paligong dilag papunta sa kanilang
duty sa may patay-sindi. Masaya
sa Baclaran kahit malakas ang
ulan.


August 3, 2011
Unida St., Baclaran

Categories: Family and Me Tags: